Beyond expectations.

Archive/RSS/Ask/Submit

Uy, binabasa niya. Ay, nagkamali lang pala. Alam ko wala ka namang pakialam dito, pero sige sasabihin ko na rin kasi binabasa mo na rin na ito eh. okay? and

17 years old. MNL, PH. USTedyante CTHM-HRM. Blogging since 11/28/10. Lahat ng nandito, walang basagan ng trip. Akin naman to eh. Palaging gutom, kung pwedeng maglagay ng fridge sa kwarto, ginawa ko na. Tamad pero kapag sinipag, wag ka. Magaling ako kumanta kapag nasa banyo, walang hiya-hiya. Frustrated artist, for short, T.H. (trying hard) Hindi maganda, pero hindi rin panget. Idadown ko pa ba sarili ko? Kawawa naman ako kapag ginawa ko yun. Prangka, kapag ayaw ko sa'yo, ayaw ko. Kung gusto kita, kahit ayaw mo sakin, problema mo na yun. Palabiro pero seryoso pagdating sa ibang bagay. Mahiyain sa ibang tao pero makapal ang mukha sa mgakaibigan. And by the way, I speak 4 languages.. Filipino, English, sarcasm, and real shit. Welcome, welcome! *funny accent*


Links:
THE REAL STORY | PHOTOS | TWITTER | REBLOGS
<a href="http://www.youtube.com/watch?v=_7ofzoJYCGc?hl=en&autoplay=1&loop=1"><img src="http://www.gtaero.net/ytmusic/play.png" alt="Play" style="border:0px;" /></a>

Natutuwa ako sa CTHM.

Lalo na mga ate namin at kuya, na ngayon ay tinatawag na namin mga ‘mommy’ at ‘daddy’ to think na hindi pa naman kami nagkikita-kita sa personal pero ang gaang na ng loob namin sa isa’t-isa.

Tapos yung mga kabatch ko, sobrang bait nila. Example, sa Monday, may mass kasi pero wala akong kasama papunta, tapos bigla akong in-add ni Merick sa BBM, tapos tinanong niya kung gusto ko daw sila kasama sa mass habang hinihintay ko yung mga blockmates ko. (Hello 1H1!) Edi sabi ko baka nakakahiya kasi buddy niya pala si CJ, na crush ko sa CTHM pati si Sho (Okay lang magbanggit ng name kasi hindi naman nila mababasa to!) Hahaha! Nung una, ayaw ko talaga. Sabi ko itanong niya muna yung mga kasama niya kung okay lang na isabay ako, ayun, okay lang daw. So, sasamahan nila ako. Ang bait, grabe.

Last, yung blockmates ko. Hindi pa kmai nagmimeet pero nag-aasaran na kami sa group namin. Magkikita-kita pala kami sa Monday. Hindi lahat eh, pero medyo marami yung pupunta. Ang saya diba?

Feeling ko matagal na kaming magkakakilala. 

#CTHM  #1H1  #UST  

People I hate.

  • Sasabihin sa’yo yung mga bagay na alam mo na.

Duh, may common sense ako, at for your information, bago mo sabihin sakin yan, alam ko na. Kaya pwede ba, wag ka nga. Kunwari nalang dito sa bahay, “Oh, ikaw, wag ka sasali sa mga ganyan-ganyan blah blah blah.” “Duh? Masyado akong matalino para isipin yang mga bagay na yan.”

  • Pinapangunahan ako.

Sabi ko sa nanay ko may sinalihan na akong pol party sa college namin (hindi pa pwedeng sabihin. haha) “Ma, sumali ako sa (name ng pol party). Magpapatakbo kami ng…” sumingit na naman yung nanay ko “Oh baka sorority yan ha?” NAINIS AKO NUN. Kasi nga paulit-ulit nalang nila sinasabi yan sakin. Edi sabi ko “EWAN KO SA INYO, BAHALA NGA KAYO DIYAN.” sabi ng nanay ko, “Sinasabihan lang naman kita.” Ako: “MASYADO AKONG MATALINO.” Nanay ko: “Oh ano na papatakbuhin niyo?” AKO: “BAKA KABAYO.”  Nainis talaga ako niyan eh. Hagalpak yung kapatid ko sa tawa niyan eh. Tapos galit yung nanay ko. Haha!

  • Paulit-ulit.

Lalo na yung nagtanong na siya kanina, itatanong nanaman ulit. Ano ba yun? Hindi magets? Pati yung sinabi na ng isa, uulitin na naman. Bwisit lang yung mga ganyan. Hindi ba maabsorb? Sobrang konting data lang naman yun eh, mago-overheat ba yung utak mo kapag tinandaan mo yan?

Ay sus. Badtrip lang ako ngayon. Eto lang muna sa ngayon yung mga kinaiinisan ko sa mga tao. Wala na ako maisip, sabaw na ako eh. 

Mapulang tenga.

Ganito rin ba kayo?

Ako kasi ganito. Kapag nahihiya, nilalagnat, naiinitan. Kapag kinikilig, tenga ang namumula, hindi cheeks. Lalo na kapag may nakatingin sakin, kunwari nasa harap ng maraming tao, grabe pula ng tenga ko. Kaya gusto ko kapag nagsasalita ako sa class, kunwari, nakakababa yung buhok ko para hindi kita yung tenga ko kasi nga namumula. Nararamdaman ko rin na may nakatitig sakin kapag namumula yung tenga ko.

Siguro eto advantage nun, yung nakakaramdam ako gamit ng tenga ko. Chos.

(via mmmjeyar)

Mapapaaga ako sa Manila.

Ang pagkakaintindi kasi namin, June 11 talaga yung start ng classes namin, which is true. Kasi Sa June 5-8, ihohost ng CTHM ang APacCHRIE. Edi wala kaming classes sa first week. Kaya ang balak ko sana, June 8 pa ako sa dorm.

Buti nalang may nag-explain sa amin na walang pasok nga ng first week for CTHM only. Kayakung may PE daw or NSTP, may pasok. Eh Wednesday yung PE ko, June 6, 2:00-5:00 PM. Edi papasok ako, ang pangit naman kung absent ako sa first day diba? Sabi, wala naman ‘daw’ gagawin kasi tuturuan lang kami ng YJ ng mga cheers. Excited ako! Hihi.

So, ayun. Mapapaaga ako ng luwas. June 3 ako aalis dito sa Tagaytay. Kinakabahan ako, kasi ako lang mag-isa sa dorm kapag may pasok mga roommates ko kasi June 4 start ng classes nila. Ewan ko kung anong gagawin ko, siguro sa June 4, aattend nalang ako ng tumblr meet-up sa lover’s lane. Or gagala sa mall? Ewan. Hindi ko talaga alam kung paano ako sa Manila. Basta, bahala na.

#UST  #CTHM  
anobeh:

WHAT: USTedyante Tumblr Meetup
WHEN: June 4, 3pm
WHERE: UST Lover’s Lane
Some of our expected activites: To be announced.
For more info, TA: bigotilyah | anobeh | imposibelle | potatowananaa
Spread the word! Feel free to reblog this post.Thank you!

Shall I go? Iniisip ko to. Pwede ako pumunta na ng June 3 sa Asturias, pero ang kaso wala akong kasama sa dorm, syempre lahat sila papasok. June 11 pa nga kasi yung pasukan ng CTHM, hmm, I&#8217;m not really sure why but it has something to do with APacCHRIE (Asia-Pacific CHRIE).
Mababagot at matatakot lang ako sa dorm kapag mag-isa. Pero kelangan kong sanayin yung sarili ko dun kasi baka sa June 10 ng gabi, eh hindi ako makatulog sa sobrang excitement. At malate ako ng gising, first day of classes tapos late? That&#8217;s a bummer!
Kung may makakasama ako dito, gora ako.

anobeh:

WHAT: USTedyante Tumblr Meetup

WHEN: June 4, 3pm

WHERE: UST Lover’s Lane

Some of our expected activites: To be announced.

For more info, TA: bigotilyah | anobeh | imposibelle | potatowananaa

Spread the word! Feel free to reblog this post.Thank you!

Shall I go? Iniisip ko to. Pwede ako pumunta na ng June 3 sa Asturias, pero ang kaso wala akong kasama sa dorm, syempre lahat sila papasok. June 11 pa nga kasi yung pasukan ng CTHM, hmm, I’m not really sure why but it has something to do with APacCHRIE (Asia-Pacific CHRIE).

Mababagot at matatakot lang ako sa dorm kapag mag-isa. Pero kelangan kong sanayin yung sarili ko dun kasi baka sa June 10 ng gabi, eh hindi ako makatulog sa sobrang excitement. At malate ako ng gising, first day of classes tapos late? That’s a bummer!

Kung may makakasama ako dito, gora ako.

(via ano-beh)

#cthm  #ust  

BALBONKADA.

iansalvador:

kulangotsapisngi:

BALBON KA? SALI NA! REBLOG MO, MIYEMBRO KA NA.

Convo with my brotha.

Nakatigil kami nun sa sasakyan, pumuntang Uratex sa Mendez kasi bumili ng mattress para sa dorm ko. Edi nakatigil kami malapit sa Mercury Drug. Tapos..

Bro: Sino yung parang si Sir Digma maglakad sa school? 4th year rin eh? Laging kasama nina Harold?

Ako: Hmm.. Kasama nina Harold? *naisip ko na Thomas* Si Sonny?

Bro: Hindi eh! Matangkad yung nakita ko tapos maputi.

Ako: Hindi ko alam eh. Pag-uwi natin tignan mo sa yearbook ko.

Nung pag-uwi namin, kinuha niya na yung yearbook.

Ako: Tignan mo sa Thomas kasi si Harold yung kasama eh sabi mo.

Bro: *hinanap sa Thomas* Wala dito eh.

Ako: Ha? Edi simulan mo sa Anthony.

Bro: Ayun! Peter!

Ako: *napaisip ako kung sino dun yung parang si Sir Digma maglakad na maputi at matangkad*

TAPOS…

Read More

I love you, Mommy!

“Loving you is like a food to my soul.”

Happy mother’s day, Ma! Sa totoo lang, hindi ko alam kung kelan yung mother’s day talaga eh.

Ayun, Ma. Hindi ko to masabi sa’yo, or kahit masulat, kahit nga iparamdam hindi ko kaya. Thank you sa lahat, Ma! Hindi lang sa lahat ng bagay na binibigay mo samin kahit pati na rin sa pag-alaga tsaka sa pagtiyaga. Ang sama-sama ko kasi hindi ko man makuhang magpasalamat o iappreciate lahat ng ginagawa mo samin.

Sorry Ma kung lagi nalang pabalang yung sagot ko. Lagi nalang mainit ulo ko kapag tinatanong mo ako.

Sorry rin Ma nung dati, pinaiyak kita. Sumagot kasi ako nun sayo. (Grabe diba kapag nakita mo yung nanay mo na umiiyak parang gumugunaw yung mundo mo?) Hindi ko na uulitin yun, Ma. Kung papaiyakin man kita, sisiguraduhin kong dahil sa tuwa yun, dahil proud ka sakin.

Paano na ako sa dorm, Ma? Wala nang gigising sakin. Wala nang magluluto ng pagkain ko. Tinanong mo ako dati kung kaya ko pero sabi ko oo, yung totoo, hindi ko talaga kaya. Sobrang mamimiss kita Ma kahit lagi tayong nag-aaway.

Ma, mahal na mahal kita. Hindi man kita hinahug o hinahalikan, hindi kasi ako showy. Promise ko sa’yo Ma, aalagaan namin kayo ni Daddy pag matanda na kayo. Susubuan ko kayo ng pagkain kapag hindi niyo kaya, aakayin ko kayo sa paglakad.

Hindi ko alam kung paano na ako Ma kung wala ka na talaga, aminin natin, lahat naman tayo mamamatay eh. Sana lang Ma hindi pa huli yung lahat, kasi babawi ako sayo, Ma. Mahal na mahal kita, Ma! Maraming salamat sa lahat!

Anonymous asked: How did you activate your USTe portal? I was trying to activate mine but I don't know how. The instructions on the site are not really helpful. Where did you find the default password? Thank you

Hi, Anon! Sorry to have kept you waiting. By this time, your probably know how to activate your USTe portal because you might have asked others. Haha!

The default password for your USTe portal is your birth date. For example: January 1, 1995 your password is 01011995. Some say it’s the invoice number on the registration form. But the birth date, worked for me. And, oh, don’t worry, you’ll be able to change the password afterwards. :)

So eto na nga, sobrang badtrip kami kasi dapat kukunin na namin yung pinagawa naming jacket sa Silang, 1 buwan na hindi pa din gawa nung pumunta kami, mga 11:30am nandun na kami, pwede daw makuha ng 5pm. Eh ang layo ng biyahe ni Gie kaya pumunta nalang kami sa bahay para antayin yung 5pm. Syempre, kain lang at chikahan tapos ayan nagpicture. May video pa kaming nakanta, ang fail nga, cover, sayang wala si Gee. :(

#photos  

SA WAKAS!

Simula nung enrollment lagi ko na to chinecheck tapos ang sinasabi lang “PDS not found.” Pero nung tinignan ko kanina, meron na! Ang saya lang. Excited na ako magkaroon ng grades diyan. Lahat pala nandiyan na no? Hihi. Sorry naman, first time eh.

geeeeeanne asked: Hoy. Pakyuuu ka! Miss ko na kayo ni Gie. <///3 :'( iloveyouuu >:*<

HARDER, HARDER! Haha! I miss you too! Kunin natin yung jacket tomow? 11am, Olivarez. Hindi na namin matandaan ni Gie yung lugar eh. I love you more bakla! Tsup tsup.

That’s my brotha. At hindi niya ako tinatawag na ate. HAHAHA.

Natripan namin magpicture ng kapatid ko sa sasakyan habang pauwi kami ng Tagaytay. First picture namin to together. Hindi kasi kami masyadong close dati eh, pero sa napapansin ko ngayon, parang nag-iba. Naging close kami. Ewan ko bakit ganun, pro siguro masyado na kaming matanda para mag-away. Pero nag-aaway pa rin kami minsan, mga simpleng bagay lang naman yun. Kaming dalawa na nga lang magkapatid, magtatalo pa ba kami?

 
1 2 3 4 5